3 Chinese businessmen arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na paputok

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 03:36 AM

Timbog sa ikinasang operasyon ng Laguna Provincial Police Office ang tatlong Chinese nationals na pawang mga negosyante dahil sa pagbebenta ng mga iligal na paputok.

Kinilala ang mga suspek na sina Qingzhong Chen, 34 taong gulang; Zeny Yang Ong, 30 taong gulang, at Chen Yanyan, 37 taong gulang.

Ayon kay Senior Superintendent Cecilio Ison, hepe ng Laguna Provincial Police, isinailalim nila sa surveillance ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon na sila ang nagsusuplay ng mga iligal na paputok sa mga lugar.

Nakumpiska ng mga otoridad ang 15 kahon ng iba’t ibang uri ng mga paputok na tinatayang aabot sa P500,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.