Dalagita natagpuang patay sa sementeryo sa Cavite City; senyales ng panghahalay natagpuan

By Justinne Punsalang January 01, 2018 - 03:29 AM

Nakasiksik sa pagitan ng isang nitso at musoleo ang bugbog-saradong bangkay ng isang 15 taong gulang na babae sa Cavite City.

Kinilala ang biktimang si Shaynadyn Alejo na nakitaan ng senyales panggagahasa.

Wala na itong suot na damit pang-ibaba nang matagpuan. Puro kagat rin ang katawan nito.

Ayon kay PO2 Armangel Genuino, agad nilang inaresto ang 17 taong gulang na lalaking huling nakitang kasama ang biktima.

Umamin umano ang suspek sa panghahalay, ngunit itinanggi nitong hindi lamang siya ang humampas kay Alejo gamit ang isang lalagyanan ng kandila at itinuro ang isa pang lalaki.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad ay lumabas naman na mag-isa lamang ang suspek sa ginawang krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.