Anim patay matapos bumagsak sa isang ilog sa Sydney ang isang eroplano
Anim na pasahero ang namatay matapos bumagsak ang sinasakyang seaplane sa isang ilog sa Sydney, Australia.
Ayon sa mga otoridad, hindi pa nila batid kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano. Hindi pa rin aniya nila nakikilala ang limang mga pasahero, ngunit ang tiyak ay namatay rin ang piloto nito.
Ang naturang eroplano ay isa sa mga aircraft ng Sydney Seaplanes na isang major tourism operator sa lugar. Ginagamit ang mga eroplano nito para mag-sightseeing habang kumakain sa himpapawid.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pabalik na sana ang eroplano sa headquarters ng Sydney Seaplanes sa Rose Bay nang bigla na lamang itong bumulusok papunta sa ilog at agad na lumubog.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang rason sa pagbagsak ng naturang eroplano, maging ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.