“Zero casualities”
Ito ang hiniling ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ngayong Bagong Taon.
Umapela si Dela Rosa sa kanyang mga tauhan na gawing ligtas para sa lahat ang pagsalubong sa Bagong Taon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “zero death” at mababang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok.
Ipinaalala ng PNP chief sa mga opisyal na ang magiging bilang ng mga casualty sa kani-kanilang area of responsibility ay sasalamin sa paraan kung paano nila pamunuan ang kanilang mga nasasakupan.
Nagpasalamat naman si Dela Rosa sa suportang ibinigay ng kanyang mga top commander habang pinamumunuan niya ang PNP.
Si Dela Rosa ay nakatakdang magretiro sa 2018, pero siya ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamuno sa Bureau of Corrections.