18 katao na sugatan dahil sa paputok, naitala sa Central Mindanao ayon sa DOH
Nadagdagan ang bilang ng mga nasugutan dahil sa paputok ayon sa Department of Health.
Hindi bababa sa labing walo katao ang sugatan matapos maputukan sa Central Mindanao.
Ayon kay Jenny Ventura, focal person ng “Iwas Paputok” program ng DOH sa Region 12, karamihan sa mga nasugutan ay mga bata.
Batay sa kanilang monitoring na nagsimula noong December 21, naitala ang pinakamataas na bilang ng firecracker-related injuries sa South Cotabato.
Una nang nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan na ang pagpapaputok, at gawing simple at mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.