Operasyon ng MRT 3 ngayong araw, ilang oras itinigil dahil sa signaling problem

By Angellic Jordan December 31, 2017 - 08:56 AM

Photo: DOTr

Hindi pa rin nakaligtas sa aberya ang Metro Rail Transit 3 ngayong Bisperas ng Bagong Taon.

Maaga kasing nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng MRT 3 ngayong araw.

Batay sa abiso ng Department of Transportation, ito ay bunsod ng nangyaring signaling problem sa tren sa southbound lane sa pagitan ng North Avenue hanggang Taft Avenue bandang 6:54 ng umaga.

Bandang 7:59 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Nagpatupad naman ang lahat ng istasyon ng crowd control at pagrerefund ng ticket sa mga pasaherong hindi na tutuloy sa kanilang mga biyahe.

Napilitan naman ang ilan pang mga pasahero na bumaba at sumakay na lamang ng bus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.