Prusisyon ng Itim na Nazareno, isinagawa sa Maynila

By Mariel Cruz December 31, 2017 - 08:46 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Nagsagawa ng prusisyon ng Itim na Nazareno sa Maynila, alas dos ng madaling araw ng Linggo.

Ito’y ay bilang pasasalamat sa nagdaang taon.

Pero bago ilabas ang imahe ng Itim na Nazareno ay nagsagawa muna ng isang maikling panalangin.

Nagtipon-tipon naman ang libu-libong mga deboto sa harap ng Plaza Miranda habang hinihintay ang paglabas ng Nazareno.

At paglabas ng imahe ay agad na nag-agawan at nagkatulakan pa ang mga deboto sa lubid.

Tinatayang aabutin ng sampu hanggang labindalawang oras ang prusisyon, na inaasahang matatapos mamayang tanghali.

Dahil naman sa dami ng mga taon lumalahok sa prusisyon ay nagiging mabagal ang takbo ng andas.

Ang nasabing prusisyona ay ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno na isasagawa naman sa January 9.

Muling inaasahan ang pagdalo ng milyun-milyong deboto sa Traslacion 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.