Ayon sa Organized Crime and Corruption Reporting Project, para sa 2017 ay si Pangulong Duterte ang “individual who has done the most in the world to advance organized criminal activity and corruption” dahil sa pagpapatupad nito ng brutal na kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, tila isang mockery o pangungutya ang naturang award.
Aniya, kabaligtaran ang award dahil marami nang ginawa ang pangulo para labanan ang organized crime at problema ng bansa sa iligal na droga.
Ayon pa sa kalihim, galit sa kurapsyon ang pangulo na makikita sa kanyang pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na gumagawa ng anumang uri ng kurapsyon.
Samantala, ayon kay Drew Sullivan na siyang editor ng OCCRP at isa sa mga huradong pumili sa kanilang person of the year, si Duterte ay hindi isang tipikal o tradisyunal na corrupt leader dahil binigyan niya ng kapagyarihan ang kurapsyon sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng sistema na umiikot sa bullying o pananakot.
Noong nakaraang taon ay pumangalawa ang pangulo sa listahan ng OCCRP kung saan si Venezuelan President Nicolas Maduro ang itinanghal bilang person of the year.