Firecracker injury bumaba ng 60% ngayong taon ayon sa DOH

By Justinne Punsalang December 31, 2017 - 04:25 AM

Bumaba ng 60% ngayong taon ang bilang ng firecracker-related injury ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, simula December 21 hanggang 30 ay 77 pa lamang ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok at di hamak na mas mababa ito kung ikukumpara sa kanilang datos sa nakalipas na limang taon.

Ayon naman kay DOH Undersecretary Gerardo Bayugo, ang naturang pagbaba ng bilang ay dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng nationwide firecracker ban, alinsunod sa Executive Order No. 28.

Sa datos ng kagawaran, wala pang naitatalang paglunok sa paputok, maging kamatayan dahil sa laki ng pinsalang dulot ng mga paputok.

Samantala, 40 mga nasugatan o 52% sa mga firecracker injury ay naitala sa Metro Manila, at 22 dito ay mula sa lungsod ng Maynila.

Sinundan naman ito ng Mandaluyong, Valenzuela, at Quezon City.

74 naman sa mga nabiktima ay pawang mga kalalakihan mula sa edad na 11 hanggang 62.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.