Ilang pasahero sugatan sa banggaan ng dalawang tren sa Indonesia
Hindi bababa sa 35 katao ang nasugatan, matapos bumungga ang isang tren sa kasunod nitong tren sa isang train station sa Jakarta, Indonesia.
Naganap ang insidente bandang “rush hour” kung saan punung puno ng sakay ng mga taong papauwi, at papasok sa kanilang trabaho.
Ayon kay Eva Chairunisa, tagapagsalita ng , karamihan sa mga naging biktima ay babae, dahil ang unahan at dulong bagon ay nakareserba sa mga babae.
Kasalukuyan nang isinasagawa ang imbestigasyon sa Juanda Station, upang malaman ang lagay ng mga pasahero na nananatili sa lugar, at maging sa lugar ng pinangyarihan.
Nagdulot ng sobrang pagkaantala naman sa byahe ng mga pasahero dahil sa nangyaring insidente.
Agad namang dumating ang mga rescuers upang tulungan ang mga biktima na madala sa pinakamalapit na ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.