Kasunduan para sa rehabilitasyon ng MRT, isinasapinal na

Kasalukuyang nang isinasapinal ang kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTR) at Government of Japan (GOJ) para sa rehabilitasyon at pagmimintena sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3).

Sa isang panayam, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Railways TJ Batan na kabilang ang MRT 3 sa nilulutong mga proyekto sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Ang kasunduang ito para sa MRT 3 ay magbibigay daan para sa pagkakaloob ng GOJ ng Official Development Assistance (ODA) para sa rehabilitasyon at maintenance requirements ng linya ng tren.

Sa ngayon anya ay nasa huling yugto na ng palitan ng Note Verbales ang dalawang panig sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Japanese Embassy sa Maynila.

Matapos isapinal ang kasunduan, ay magsasagawa na ng ‘due diligence study’ ang railways engineers ng DOTr at ng Japan International Cooperation Agency sa MRT 3.

Tatagal ang naturang pagsusuri mula January hanggang February upang malaman ang lala ng sitwasyon ng linya ng tren at ang lawak ng kakailanganin para sa rehabilitasyon.

Read more...