Prusisyon ng itim na Nazareno nagsimula na
Nagsimula na ang prusisyon ng itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Bandang ala-1:50 ng madaling araw nang magkaroon ng maikling misa para simulang ang prusisyon.
Libu-libong katao na sumisigaw ng “Viva pit Señor!” ang nasa southbound lane ng Quezon Boulevard na sasama sa naturang prusisyon ng itim na Nazareno.
Dahil sa dami ng tao ay inabot ng mahigit 30 minuto bago tuluyang nakalabas ang andas na lulan ang itim na Nazareno sa Plaza Miranda.
Iikot ang prusisyon mula Quiapo Church papuntang Claro M. Recto Avenue, babagtas sa Bilibid Viejo, pupunta sa kalye ng Hidalgo, bago babalik ng simbahan.
Inaasahang aabutin ng tanghali ang naturang prusisyon, kung saan nakasara ang mga kalye ng:
– Southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda;
– Eastbound lane ng Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street
– at Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.