Isa patay, 22 sugatan sa pagbangga ng van sa jeep sa Oriental Mindoro

By Rhommel Balasbas December 31, 2017 - 03:51 AM

Isang matandang babae ang namatay habang 22 ang nasugatan matapos bumangga ang isang van sa ginagawang jeep sa Bansud, Oriental Mindoro.

Dead on the spot ang matandang babae na nakilalang si Emiliana K. Griego, 74 anyos na mula sa bayan ng Roxas sa lalawigan.

Nakaupo sa front passenger ng van ang biktima kasama ang kanyang anak na si Esperanza Advincula na isinugod din sa ospital.

Sumalpok sa jeep ang van na minamaneho ni Jayson O. Mercado, 39 anyos na nasa gilid ng kalsada dahil sa inaaayos ang gulong nito.

Ayon kay Chief Inspector Nonito P. Banania Jr, hepe ng lokal na pulisya, iniimbestigahan na si Mercado na pinaghihinalaang nakatulog habang minamaneho ang kanyang sasakyan.

Kabilang din sa nasugatan ang driver ng nakaparadang jeep na si Isidro M. Galicha, 48 anyos, residente ng Hagan, sa bayan ng Bongabong sa lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.