Ito ay upang maiwasan ang paglobo pa ng bilang ng mga naaaksidente sa pag-akyat sa bundok kung saan 200 katao na ang nasawi mula 1920.
Sa panibagong regulasyon, ipagbabawal na ang pagpanik ng mga solo climbers sa kabundukan.
Ayon sa isang tourism official, ang pagrerebisa sa batas ay upang gawing mas ligtas ang mountaineering at mabawasan ang bilang ng mga nasawi.
Ngayong taon lamang ay naitala ang anim na namatay sa pag-akyat sa bundok kabilang ang 85 anyos na si Min Bahadur Sherchan.
Balak sana ni Sherchan na mabawi ang kanyang titulo bilang pinakamatandang tao sa mundo na nakaakyat sa tuktok ng itinuturing na pinakamataas na bundok.
Dahil dito, kinakailangan na ng mga foreign climbers na masamahan ng guide na magbibigay din ng mga trabaho sa mga Nepali mountain guides.
Ipinagbabawal na rin ng gobyerno ang pag-akyat ng mga double amputees at visually impaired.
Ang naturang hakbang ay tinuligsa at tinawag na ‘discriminatory’ ng iilan.