Batay sa report ng QC Bureau of Fire Protection (BFP) alas-9 ng gabi ng Sabado nang sumiklab ang apoy mula sa living room ng pamilya Dijanco.
Sa una ay sinubukan itong apulahin ng mga residente ngunit mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang isa pang bahay.
Dahil sa sunog ay natupok ang buong kabahayan ng pamilya Dijanco.
Pasado alas-10 ng gabi nang tuluyang maapula ang sunog.
Maswerte namang walang nasugatan sa insidente, ngunit nasunog naman ang mga naiwang aso ng naturang pamilya.
Anila, walo sa kanilang 18 mga aso ang hindi na nailigtas pa sa nasunog na bahay.
Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog, maging kung magkano ang kabuuang danyos na dala nito.