Mga biktima ng bagyong ‘Urduja’ tatanggap ng P103-M na tulong – NDRRMC
Magbibigay ng 103 milyong pisong ayuda ang pamahalaan sa mga biktima ng Bagyong Urduja.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan, natanggap na ng mga biktima ang 22.3 milyong piso ng halagang ito.
Bibigyan ng P10,000 ang pamilya ng mga nasalanta ng bagyo habang bibigyan naman ng P5,000 ang pamilya ng mga nasugatan.
Gayunman, para makuha ito, kinakailangang magpresenta ng mga biktima ng bagyo ng mga kaukulang dokumento, identification papers at medical certificate.
Sa kabuuan, batay sa datos ng NDRRMC, hindi bababa sa 320 katao ang nasawi at nawawala sa kasagsagan ng Bagyong Vinta at 40 katao naman ang nasawi sa Bagyong Urduja.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.