Bilang ng mga naputukan ng piccolo, nadagdagan pa – DOH

By Cyrille Cupino December 30, 2017 - 07:34 PM

AFP File Photo

Piccolo pa rin ang pinaka-mapanganib na uri ng paputok sa bansa.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Health, sa 77 biktima ng paputok ngayong taon, 49 sa mga ito ang dahil sa ipinagbabawal na piccolo.

Limang panibagong kaso ng naputukan ng piccolo ang nadagdag sa listahan ng DOH.

Sinasabing ipinuslit lamang ang mga kumakalat na piccolo sa merkado mula sa China, at kadalasang isinasama sa mga laruan para makalusot sa inspeksyon.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga firecracker-related injuries, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa rin magiging kampante ang kagawaran dahil may ilang negosyante pa rin ang pasaway na nagbebenta ng mga iligal na paputok, at mayroon pa ring mga tumatangkilik dito.

 

TAGS: Piccolo, Piccolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.