Nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Philippine National Police sa mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Operations General Fernando Mendez ang inspeksyon.
Hinanapan ng mga otoridad ng permit ang mga nagtitinda ng paputok at tinignan rin ng mga ito kung sumusunod ang negosyante sa mga pamantayan sa pagbebenta ng fire crackers at fireworks.
Iprinista rin ng PNP ang mga nakumpiska nilang ipinagbabawal na paputok.
Kabilang dito ang Pla-Pla, Piccolo, Goodbye ISIS at Goodbye Maute.
Paliwanag ni General Mendez, malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga nakukumpiska nilang illegal na paputok .
Ito ay dahil marami sa mga negosyanyte sa Bocaue ay hindi na gumagawa ng paputok mula nang ipinalabas na Executive Order No. 28.
Muli namang nagpaalala ng PNP na bawal na ang paggamit ng mga paputok sa labas ng tahanan dahil sa ilalim ng Executive Order 28, at sa mga designated areas lamang ito maaaring paputukin kasama ang isang eksperto sa paputok.
Tanging ang mga pailaw na lamang ang maaaring gamitin ng mga ordinaryong mamamayan sa labas ng kanilang tahanan at kabilang na dito ang roman candle, lusis, sparklers, fountain, trompillo, airwolf, whistle device, at butterfly.