Ayon sa Armed Forces of the Philippines, nagpadala sila ng grupo sa Barangay Tubaon mula sa 6th Scout Ranger Battalion dahil sa ulat na may nagaganap na panghaharass ng mga hinihinalang miyembro ng NPA.
Habang papalapit sa lugar ang grupo, bigla umano silang pinaputukan at isang landmine pa ang sumabog.
Ayon sa AFP, umatras rin ang mga miyembro ng NPA matapos ang 30 minutong palitan ng putok.
Ayon sa militar, posibleng may mga nasugatan rin sa panig ng mga rebelde dahil nakita nila ang ilang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng engkwentro.
Naganap ang engkwentro alas-6:25 ng umaga, halos 10 oras lamang bago muling ipatupad ang unilateral ceasefire ng CPP-NPA at ng gubyerno.
Epektibo ang ceasefire ng pamahalaan mula alas-sais ng gabi ng December 30, 2017 hanggang 11:59 ng gabi ng January 2, samantalang sa panig naman ng CPP-NPA, epektibo ang kanilang ceasefire alas-sais rin ng gabi ng December 30 hanggang alas-sais ng gabi ng January 2.