LPA sa Mindanao, posibleng maging ganap na bagyo pagpasok ng Enero – PAGASA
By Rohanisa Abbas December 30, 2017 - 05:25 PM
Posibleng maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,175 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o bukas ng umaga.
Inaasahan namang magiging isang tropical depression ang LPA sa January 1 o 2, at tatawagin itong bagyong ‘Agaton’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.