Pinakamataas na bilang ng pasahero, naitala ng Clark Int’l Airport ngayong taon

Inquirer file photo

Naitala ng Clark International Airport (CRK) sa Pampanga ang pinakamataas bilang ng pasahero nito ngayong taon.

Umabot sa 1.5 milyong pasahero ang naserbisyuhan ng paliparan ngayong taon.

Ayon sa Department of Transportation, ito ang pinakaraming pasaherong naitala sa Clark International Airport, na nahigitan ang record nitong 1.3 milyong passengers noong 2012.

Ayon kay CRK Corp. President Alex Caguguiran, ang pagdami ng mga pasahero sa paliparan ay dahil sa paghayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa layunin niyang i-develop ang iba pang lugar, maliban sa Metro Manila.

Sa ngayon, nasa 200 international at domestic flights ang bumabyahe sa Clark International Airport.

 

Read more...