Satisfaction ratings ng lahat ng sangay ng gobyerno, tumaas

By Rohanisa Abbas December 30, 2017 - 04:53 PM

Malacanang file photo

Tumaas pa ang net public satisfaction ratings ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, Senado, Kamara at Korte Suprema sa fourth quarter ng taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Pinakamataas ang nakuhang satisfaction rating ng Senado sa +56 o “very good.” Mas mataas ito nang 10 puntos sa rating nito noong September.

Sumunod naman ang Kamara na nakakuha ng “good” rating sa +43, at ng gabinete ng pangulo sa +38 na “good” rating din.

Ito na ang pinakamatas na net satisfaction rating na naitala ng gabinete mula noong 1990.

“Good” din ang satisfaction rating na nakuha ng Korte Suprema sa +37.

Isinagawa ng SWS ang naturang survey mula December 8 hanggang 16 sa pamamagitan ng fae-to-face interviews sa tig-300 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Ilan sa mga maiinit na usapin noong isinagawa ang survey ay ang pagtatapos ng combat operations sa Marawi City, paghiling sa pagpapalawig ng batas-militar sa Mindanao, at mga pagdinig sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at sa kontrobersyal na bakuna sa dengue.

 

 

 

TAGS: Duterte administration, net satisfaction rating, Duterte administration, net satisfaction rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.