Umabot na sa mahigit 67,000 ang naitalang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa isang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard kaninang alas-12:00 ng tanghali, umabot na sa 67,550 ang kabuuang bilang ng mga pasahero.
Pinakamarami ang naitala sa sa Central Visayas na may 16,495 na bilang ng mga pasahero, pangalawa ang Southern Tagalog, na umabot sa 13,378, at pangatlo ang Northern Mindanao na may 7,475 na pasahero.
Samantala sa Bicol aabot sa 6,122 pasahero, sa Southern Visayas, mayroon namang 5,980 na pasahero ang bumibiyahe, sa Palawan 5,925, Western Visayas- 4,387, South Western Mindanao- 2,747, National Capital Region- Central Luzon na may 1,960 pasahero, North Western Luzon- 1,301, Eastern Visayas 1,229, South Eastern Mindanao- 433 at North Eastern Luzon, 118 na pasahero.
Ayon sa Philippine Coast Guard, nanatili silang naka-monitor sa mga pantalan na patuloy na dinadagsa ng mga pasaherong magsisipag uwian sa kani-kanilang mga lalawigan para salubungin ang bagong taon.