Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila, isasara bukas para sa prusisyon ng Black Nazarene

By Cyrille Cupino December 30, 2017 - 03:43 PM

Isasara bukas, December 31, araw ng Linggo ang ilang pangunahing kalsada sa lungsod ng Maynila para sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Sa inilabas ng traffic advisory ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, tatlong malalaking kalsada ang sarado mula ala-1:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ito ay ang mga sumusunod:

– Southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda;
– Eastbound lane ng Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street
– at Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na manggagaling sa España Boulevard na patungong Roxas Boulevard, South Pier Zone at Taft Avenue na kumanan sa P. Campa Street, at dumiretso sa Fugoso Street.

Maari namang kumanan sa Fugoso Street at kumaliwa sa Rizal Avenue ang mga motoristang manggagaling sa A. Mendoza Street patungo sa Quezon Boulevard.

 

TAGS: Black Nazarene Procession, Black Nazarene Procession

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.