Social media, malaking tulong sa imbestigasyon sa Gen. Trias, Cavite killing
Malaki ang naging papel ng social media sa imbestigasyon kaugnay ng pagpatay sa mag-inang Gamos ng General Trias, Cavite.
Sinabi ni Supt. Janet Arinado, spokesperson ng Cavite police, ilang oras bago sumuko si Ruel Cabatingan ay nagpost ito sa kanyang facebook account na nagsasabing : “sorry mommy at anak ko.”
Nagpahiwatig din ito ng plano niyang pagsuko sa otoridad sa pamamagitan ng post na: “justice will be served.”
Ayon pa kay Arinabo, sinundan nila ang online activities ng Facebook account na may pangalang “Ilyttaafe Rubyel” na pinaniniwalaang pinaghalong pangalan na “Ruby” at “Ruel” kung saan may makikita ding larawan ng biktima at ng suspek.
May mga larawan din na pinaniniwalaang kuha sa apartment na inuupahan ni Cabatingan sa Barangay Alapan, Imus Cavite na ilang kilometro lang ang layo sa bahay ng mga Gamos.
Madalas din umanong nakikita sina Gamos at Cabatingan sa nasabing apartment maging sa dis-oras ng gabi.
Nabatid pa na si Cabatingan ay schoolmate ng padre de pamilya na si Marlon Gamos at dating boyfriend ng napatay na misis nito.
Noong huwebes, Dec. 28, si Cabatingan ay sumuko sa Eastern Visayas police at inamin ang krimen.
Gayunman, hindi nito sinabi ang kanyang motibo o kung bakit pinatay ang mag-ina na sasabihin na lamang daw niya sa pagharap niya sa korte.
Kinokonsidera na rin ng Cavite police na case close ang pagpatay sa mag-inang Ruby Gamos at 7-taong gulang na anak na si Shaniah Nicole na natagpuan ang duguang bangkay sa kanilang bahay sa Kensington Subdivision sa General Trias City, Cavite noong Dec. 11.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.