6% na Pilipino ang nakatupad sa kanilang 2017 New Year’s resolution – SWS

By Angellic Jordan December 30, 2017 - 11:31 AM

Cebu Daily News file photo

Kakaunting Pilipino lamang ang nakatupad ng kanilang New Year’s resolution ngayong taon batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng isinagawang pag-aaral mula December 8 hanggang 16, 46% na Pinoy ang nagsabing gumawa ng listahan ng nais baguhin sa pagpasok ng 2017.

Ngunit, anim na porsyento lang sa mga ito ang nagsabing “all or almost all” sa mga resolusyon ay natupad habang 12% naman ang “most”, 23% ang “few at apat na porsyento ang “almost none or none.”

Sa mga sumagot ng “all or almost all” at “most”, karamihan sa mga ito ay nagmula sa classes ABC na umabot sa 25% habang 19% naman sa class E at 18% sa class D.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents kung saang 300 katao mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

TAGS: 2017 New Year's resolution, SWS, 2017 New Year's resolution, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.