4.5 magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Photo courtesy: Phivolcs

Niyanig ng mahinang lindol ang Surigao del Norte 9:24 kaninang umaga.

Base sa earthquake information na inilabas ng Philippine Institute of Volcanogy and Seismology (Phivolcs), may lakas na magnitude na 4.5 ang lindol na tumama sa Silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

Naramdaman ang nasabing lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV- Burgos at Santa Monica, Surigao Del Norte
Intensity III- Pilar at Dapa, Surigao Del Norte
Intensity II- Del Carmen at Socorro, Surigao Del Norte
Intensity I- Surigao City

Tectonic ang origin ng lindol pero walang inaasahan na aftershock ayon sa report ng Phivolcs.

Read more...