DFA, inaalam kung may Pinoy na nadamay sa Long Beach shooting

By Alvin Barcelona December 30, 2017 - 10:46 AM

Photo courtesy: AP

Sinusubaybayan ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang shooting incident sa Long Beach, California, Biyernes ng hapon sa Amerika, Sabado ng umaga sa Pilipinas.

Inaalam na ng DFA kung may Pinoy na nasaktan sa pamamaril ng isang gunman malapit sa Long Beach Boulevard at San Antonio Drive sa komunidad ng Bixby Knolls.

Ayon kay Long Beach City Councilman Al Austin, isang dating empleyado ng isa sa mga tanggapan sa lugar ang hindi pa kinikilalang suspek.

Naganap ang pamamaril ng nag-iisang gunman sa loob ng isang gusali ng isang law office.

Base sa inisyal na ulat mula sa Long Beach police, dalawa ang patay sa nasabing insidente kabilang ang suspek.

TAGS: California, DFA, Long Beach, California, DFA, Long Beach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.