Sa kabila ito ng mga itinalagang “firecrackers zone” ng mga LGUs kung saan magkakaroon ng community fireworks display.
Sa kanilang Facebook account, naglabas ng safety guidelines ang PNP at nagpaalala sa madla ng mga dapat tandaan sa paggamit ng paputok.
May mga guidelines din ng PNP sa mga LGUs na nais magtakda ng “firecracker zone” alinsunod sa EO no. 28 na pinirmahan ni Pangulong Duterte.
Ilan sa mga dapat ikonsidera bilang firecracker zone ay ang pagtitiyak na sapat ang lawak ng lugar na pagdadausan fireworks display, may security plan at ang pagkakaroon ng first aid responders.
Payo naman ng PNP sa publiko na bumili lamang ng mga paputok at pailaw sa mga lisensyadong tindahan at maging responsible sa paggamit nito.