PNP, muling nagpaalala sa paggamit ng paputok sa Bagong Taon

By Jimmy Tamayo December 30, 2017 - 10:32 AM

Isang araw bago salubungin ang bagong taon, muling nagpaalala ang Philippine National Police laban sa paggamit ng paputok.

Sa kabila ito ng mga itinalagang “firecrackers zone” ng mga LGUs kung saan magkakaroon ng community fireworks display.

Sa kanilang Facebook account, naglabas ng safety guidelines ang PNP at nagpaalala sa madla ng mga dapat tandaan sa paggamit ng paputok.

Photo courtesy: Firearms and Explosives Office – FEO FB

May mga guidelines din ng PNP sa mga LGUs na nais magtakda ng “firecracker zone” alinsunod sa EO no. 28 na pinirmahan ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga dapat ikonsidera bilang firecracker zone ay ang pagtitiyak na sapat ang lawak ng lugar na pagdadausan fireworks display, may security plan at ang pagkakaroon ng first aid responders.

Payo naman ng PNP sa publiko na bumili lamang ng mga paputok at pailaw sa mga lisensyadong tindahan at maging responsible sa paggamit nito.

TAGS: “firecrackers zone”, Bagong Taon, Paputok, PNP, safety guidelines, “firecrackers zone”, Bagong Taon, Paputok, PNP, safety guidelines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.