Bilang ng mga apektadong pamilya ng pagbaha sa Camarines Sur, aabot na 2,000
Aabot ng mahigit 2,000 pamilya o halos 10,000 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa siyam na bayan ng Camarines Sur.
Bunsod ito ng naranasang mga pag-ulan sa lalawigan sa nakalipas na araw dahil sa tail-end of a cold front.
Ayon kay Office of Civil Defense Regional Director Claudia Yucot, lubog pa rin sa tubig-baha ang bayan ng Ragay, Lupi, Bato, Sangay, Lagonoy, Tinambac at ang Garchitorena.
Apektado naman ng landslides ang Bato, Caramoan at Sagnay.
Ayon pa sa ulat, aabot ng higit isang metro ang lalim ng tubig sa tatlong barangay ng Lupi kasunod ng pag-apaw ng spillway.
Halos lampas tao naman ang baha sa mabababang barangay partikular sa hilagang bahagi ng probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.