MRT, nagka-aberya; Higit 200 pasahero, pinababa sa Magallanes station

Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 ngayong Sabado, December 30.

Nakaranas ng aberya ang tren dahil sa electrical failure ng motor nito.

Bunsod nito, nagpababa ng mahigit 200 pasahero ang MRT3 sa bahagi ng northbound train sa Magallanes station bandang 6:07 ng umaga.

Gayunman, mabilis namang naisakay ang mga apektadong pasahero sa panibagong tren pitong minuto makalipas ang nangyaring aberya.

Agad namang dinala ang nagka-aberyang tren sa train depot ng MRT sa North Avenue Station para sa preventive maintenance.

Samantala, naghandog naman ng libreng-sakay ang MRT3 ngayong araw para sa pag-alala sa ika-121 na death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Makakasakay nang libre ang mga pasahero mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Read more...