Ilang senador, kinilala ang kabayanihan ni Dr. Jose Rizal

By Angellic Jordan December 30, 2017 - 09:44 AM

Nagbigay-pugay ang ilang senador sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa kaniyang 121st death anniversary ngayong Sabado, December 30.

Sa inilabas na pahayag ni Senadora Leila De Lima, ipinunto nito ang pagiging bilanggong pulitikal ni “Pepe” na lumaban sa mapang-aping gobyerno mula sa kamay ng mga Kastila.

Kinilala naman ni Senador Joel Villanueva ang pagsasakripisyo ni Rizal ng kaniyang buhay para mapalaya sa pang-aabuso ang bansa gamit ang sining ng pagsusulat.

Para naman kay Senador Francis Pangilinan, nag-iwan aniya ng mensahe si Rizal na hindi makakamit ang tunay na kalayaan kung mananatiling hindi respetado at mahirap ang mga magsasakang Pilipino.

Hinikayat rin ng mga senador ang publiko na isabuhay ang prinsipiyo, katarungan at pag-asang itinaguyod ni Rizal kasama ang mga Pilipinong lumaban noong panahon ng Kastila.

TAGS: Dr. Jose Rizal, Rizal Day, Sen Leila De Lima, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Joel Villanueva, Dr. Jose Rizal, Rizal Day, Sen Leila De Lima, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.