Pinaglaruang kalan, sanhi ng sumiklab na sunog sa New York City
Ang pinaglaruang kalan ang pinagsimulan ng sunog sa isang apartment building sa New York City na ikinasawi ng 12 katao kabilang ang apat na bata.
Sa imbestigasyon ng New York City police, lumilitaw na pinaglaruan ng 3-anyos na bata ang stove burners sa kusina ng kanilang apartment na nasa first floor ng gusali sa Bronx Zoo bandang alas-7:00 Huwebes ng gabi.
Nang tangkain ng ina ng bata na iligtas ang kanyang dalawang anak, binuksan nito ang pinto na naging dahilan para lalong kumalat ang apoy sa gusali.
Ipinaliwanag ni Fire commissioner Daniel Nigro nagsilbing “chimney” ang hagdaan na dinaanan ng apoy at mabilis na kumalat sa ibang bahagi ng gusali.
Bagaman mabilis na rumesponde ang bumbero, huli na para tuluyuang apulain ang sunog.
Lima katao ang agad na nasawi habang pitong iba pa ang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.
Kabilang sa nasawi ang isang ina at kanyang dalawang anak na babae na may idad na 2 at 7, maging ang isang taong gulang na bata at isa pang batang lalaki.
Ito ang ikalawa sa itinuturing na “deadly fire” sa New York sa loob lamang ng dalawang linggo.
Noong December 18, isang ina at tatlo nitong anak ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Brooklyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.