Ilang lugar sa Luzon at Visayas, makakaranas ng pag-ulan ayon sa PAGASA

Photo courtesy: PAGASA

Magiging maulan ang ilang Northern at Central Luzon kasama ang ibang parte ng Eastern at Central Visayas ngayong Sabado, December 30, 2017.

Sa 4:00 AM weather bulletin ng PAGASA, makakaranas ng maulap at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol at Caraga regions kasama ang Eastern at Central Visayas bunsod ng tail-end ng cold front.

Apektado naman ng northeast monsoon o aminhan ang bahagi ng Aurora, Quezon, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Regions (CAR).

Maliban dito, magdudulot din ito ng pakana-kanang pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region at mga nalalabing lugar ng Central Luzon at Calabarzon.

Samantala, localized thunderstorms naman ang iiral sa mga nalalabing parte ng bansa.

Read more...