Mga pasahero, pinayuhan para maiwasan ang pagsikip sa NAIA ngayong long weekend
Inabisuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na iwasang magdala ng maraming tagahatid o tagasundo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal, ito ay para maiwasan ang pagsikip sa paliparan ngayong long weekend para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Aniya, naging masikip ang mga terminal noong nagdaang long weekend dahil sa dami ng mga dumating noong Bisperas ng Pasko at umalis sa mismong araw nito.
Kultura na kasi aniya ng mga Pilipino ang paghatid o pagsundo ng buong pamilya kahit na isang kaanak lang ang magbibiyahe.
Maliban dito, pinaalalahanan din ang mga pasahero na maglaan ng sapat na oras sa pag check-in at iba pang predeparture procedures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.