Duterte, itinanghal na “Person of the Year” ng isang organisasyon dahil sa war on drugs

By Kabie Aenlle December 30, 2017 - 06:22 AM

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang napili ng Organized Crime and Corruption Reporting Project (OCCRP) na tanghaling “Person of the Year” para sa taong 2017 dahil sa kaniyang kontrobersyal na war on drugs.

Gayunman, negatibo ang kahulugan ng pagiging “Person of the year” ni Duterte dahil ibinibigay lang ito ng OCCRP sa napipili nilang indibidwal na may pinakamaraming nagawa para mas maisulong ang organized criminal activity.

Ayon sa editor ng OCCRP na si Drew Sullivan, ginawang katawa-tawa ni Duterte ang rule of law ng Pilipinas.

Ayon pa kay Sullivan, bagaman hindi isang tipikal na corrupt leader, sinuportahan naman niya ang katiwalian sa bagong pamamaraan.

Binatikos ni Sullivan ang aniya’y death squads ng pangulo na umano’y nakatuon sa mga kriminal, ngunit sa katunayan ay “less discriminating” naman.

Isinulong din aniya ni Duterte ang “bully-run system of survival of the fiercest.”

Sa huli aniya, ang Pilipinas ay naging mas tiwali, marahas at “less democratic.”

Natalo ni Duterte ang dalawang African strongmen sa titulong ito na si dating South African President Jacob Zuma at pinatalsik na Zimbabwean President Robert Mugabe.

Ang OCCRP ay isang non-profit organization sa Amerika na mayroong panel ng siyam na corrupion-fighting journalists, scholars at aktibista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.