2 arestado sa France dahil sa pagpa-plano ng terror attack

By Kabie Aenlle December 30, 2017 - 04:34 AM

Isang 21 taong gulang na lalaki at 19 taong gulang na babat ang dinakip sa France dahil sa pagpa-plano ng terror attacks.

Wala namang nakikitang direktang koneksyon sa pagitan ng dalawang suspek na naaresto, pero pareho silang nahaharap ngayon sa kasong criminal conspiracy.

Nagpa-plano ang lalaki na umatake laban sa mga sundalo, habang ang babae naman ay nagbabalak na umatake sa mga lalawigan sa France.

Ayon sa source, parehong determinado ang dalawa na isagawa ang kanilang mga plano at naikasa na rin nila pati ang kanilang mga targets.

Gayunman, hindi nila natapos ang kani-kanilang mga proyekto, ayon sa pahayagang Le Figaro.

Napag-alaman din na nakikipag-ugnayan ang dalawa sa mga miyembro ng Islamic State (IS) sa pamamagitan ng social media networks.

Nasukol ang lalaki malapit sa Lyon, habang ang babae naman ay naaresto sa Paris region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.