SC order tungkol sa martial law extension, isang magandang senyales – Rep. Lagman

By Kabie Aenlle December 30, 2017 - 03:15 AM

Naniniwala si Albay Rep. Edcel Lagmanna isang magandang senyales ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng kanilang petisyon na kumukwestyon sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Lagman, nangangahulugan itong nalampasan na ng kanilang petisyon ang “preliminary gauntlet” na dinadaanan ng lahat ng petisyon sa Korte Suprema.

Inatasan na kasi ng SC ang mga opisyal mula sa executive at legislative branch na sagutin ang petisyon inihain ni Lagman at ng iba pang miyembro ng Magnificent 7 bloc.

Matatandaang kinwestyon nila ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, dahil ayon sa kanila, wala namang “actual rebellion” na nagaganap sa rehiyon para gawin ito.

Samantala, pinagsabihan naman ni Lagman si Solicitor General Jose Calida na manatili na lamang nakatutok sa legal issues sa petisyon.

Ito’y matapos sabihin ni Calida na walang alam ang mga nag-petisyon tungkol sa tunay na kalagayan ng Mindanao ngayon, kung ikukumpara sa nalalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga mambabatas na nag-apruba sa martial law extension.

Ani Lagman, hindi dapat magsalita si Calida na para bang mas nakatataas ang pangulo at ang supermajority ng Kongreso sa Konstitusyon, at na para bang hindi magkakamali ang mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.