MRT, may libreng sakay ngayong Rizal Day

By Kabie Aenlle December 30, 2017 - 02:03 AM

Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) sa mga pasahero ngayong araw ng Sabado, December 30, 2017.

Ito’y bilang pag-alala sa ika-121 na death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon kay MRT General Manager Rodolfo Garcia, magagamit ang libreng sakay mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa kasagsagan ng mga oras na ito ay mamimigay ang mga tellers sa lahat ng istasyon ng libreng single journey tickets sa mga commuters.

Ani Garcia, ginawa nila ito alinsunod sa kahilingan ni Acting Executive Director Ludovico Badoy ng National Historical Commission of the Philippines.

Idineklara din ng Malacañang na regular holiday ang December 30 upang gunitain ang buhay ni Rizal.

Samantala, sa anunsyo naman ng pamunuan ng Light Rail Transit 1 (LRT-1), magbibigay naman sila ng libreng sakay sa Lunes, January 1 bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Matatamasa ng mga pasahero ang libreng sakay sa Lunes mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.