Nakaligtas sa insidente ng mistaken identity, nagmakaawa pero hindi pinakinggan ng mga pulis

By Cyrille Cupino December 30, 2017 - 01:11 AM

Idinetalye ng mga sakay ng Mitsubishi Adventure na pinagbabaril sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City ang naganap bago sila hinabol at pinaputukan ng mga tanod at mga pulis kagabi.

Ibinahagi ng construction worker na si Mhury Jamon na kabilang sa mga sakay ng AUV ang mga nangyari mula sa bangayan na nauwi sa pamamaril sa biktimang si Jonaly Ambaon, sa pagmamalasakit nilang dalhin ito sa ospital hanggang sa pamamaril sa kanila ng mga otoridad.

Matatandaang napagkamalang get-away vehicle ng mga suspek na namaril kay Ambaon ang ginamit nina Jamon kaya ito pinagbabaril ng mga tanod at kalaunan ay pati ng mga pulis.

Ngunit iginiit ni Jamon na nagmakaawa sila sa mga otoridad at sinabing pasyente ang kanilang dala ngunit hindi aniya sila pinakinggan ng mga ito.

Narito ang kabuuang detalye ng report:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.