Panelo, tiwalang maibabasura ang petisyon kontra martial law extension sa Mindanao

By Rohanisa Abbas December 29, 2017 - 09:15 PM

Kumpyansa si chief presidential legal counsel Salvador Panelo na ibabasura ng Korte Suprema ang petisyon laban sa isang taong martial extension sa Mindanao.

Iginiit ni Panelo na mayroon itong factual at legal basis.

Sinabi ng Kalihim na patuloy pa rin ang rebelyon sa ibang bahagi ng Mindanao sa kabila ng pagkakasugpo ng pwersa ng militar sa Maute group.

Ipinahayag ni Panelo na kabilang din dito ang banta ng New People’s Army na pinaigting umano ang pag-atake sa gobyerno at mga sibilyan.

Isinailalim sa martial law ang Mindanao noong May 23 matapos sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City sa pagitan ng militar at Maute group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.