Pagpapabagsak kay Duterte, target ng CPP sa 2018

By Rohanisa Abbas December 29, 2017 - 09:12 PM

Pababagsakin ng Communist Party of the Philippines (CPP) si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpasok ng bagong taon.

Ito ang target ng rebeldeng grupo sa taong 2018.

Sa ika-49 anibersaryo ng CPP, inatasan nito ang New People’s Army (NPA) na paigtingin ang opensiba laban sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa buong bansa.

Pinatutugis din ng komunistang grupo ang mga tiwaling opisyal at umano’y “death squad” ng rehimeng Duterte.

Maliban dito, target din ng CPP na maitayo ang pinakamalawak na unyon para maialis ang US-Duterte regime at ang umano’y fascist terror nito.

Ibinabala rin ng komunistang grupo ang mas maraming kilos-protesta sa sususnod na taon. Sinabi ng CPP na ang “dress rehearsal” pa lamang ang mga kilos-protesta na isinagawa ng mga manggagawa, jeepney drivers at iba pang sektor ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.