P30M, inilabas ng DOLE para sa mga naapektuhan ng sunog sa NCCC Mall

By Rohanisa Abbas December 29, 2017 - 09:07 PM

Ipinalabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang 30 milyong pisong ayuda para sa mahigit 2,000 empleyado na naapektuhan ng sunog sa NCCC Mall sa Davao City.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), gagamitin ang halagang ito para mabigyan ng emergency employment ang mga apektadong empleyado o ang kanilang dependents sa loob ng 30 araw.

Kasama sa mahigit 2,000 apektado ang mga empleyado ng mall, mga empleyado ng tenants, SSI, at iba pa.

Bumisita rin si Bello sa Davao City. Nakipagpulong ang DOLE sa iba’t ibang ahensya para matiyak na walang mawawalan ng trabaho sa mga ito.

Sinabi ng Kagawaran na tiniyak ng pamunuan ng NCCC na hindi mawawalan ng trabaho ang 616 na regular na manggagawa ng mall, at patuloy nilang matatanggap ang kanilang sahod.

Samantala, maglalabas din ng pondo ang DOLE regional office ng aabot sa 20,000 pisong ayuda para sa mga nabiktima ng sunog.

Magugunitang 38 katao ang nasawi sa pagkasunog ng NCCC Mall.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.