Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang Republic Act 10962 o ang Gift Check Act of 2017.
Sa ilalim ng bagong batas na pinirmahan ng pangulo noong December 19, ipagbabawal na ang paglalagay ng expiry date sa stored value ng gift check.
Mahigpit ding ipinagbabawal sa nasabing batas ang hindi pagkilala sa hindi nagamit na halaga o balanse ng mga ito.
Ang mga may hawak naman na hindi nagamit at hindi pa pasong gift check na nakuha nito kasabay ng implementasyon ng batas ay may karapatan na ma-isyuhan ng kapalit nang walang karagdagang bayad.
Samantala ang mga coupon o voucher at mga gift check na mula sa loyalty, rewards o iba pang promotional program ay hindi sakop ng gift check act.
Noong July 2014, naglabas ang Department of Trade and Industry ng direktiba na nagbabawal sa paglalagay ng expiry date sa mga gift check pero ito ay hindi permanente at maaaring ipawalang bisa dahil hindi ito isang batas.