Bentahan ng fireworks sa Araneta Cubao, QC matumal

By Jan Escosio December 29, 2017 - 06:28 PM

Mahina ang bentahan ng mga fireworks sa Araneta Cubao, Quezon City.

Ayon kay Willie Go, may-ari ng isa sa mga tindahan, kumpara noong nakaraang taon matumal ang kanyang benta.

Pag amin nito ay dahil na rin sa Executive Order no. 28 ng Malakanyang na naghihigpit na sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Sinabi ni Go noong nakaraang taon ay nagbenta pa siya ng mga firecrackers o paputok at maganda ang kanyang benta.

Ngunit dahil sa E.O 28 hindi na siya kumuha ng mga paputok kundi puro pailaw na lang

Ang pinakamura niyang pailaw ay P50 at ang pinakamahal naman ay P20,000.

Sinabi nito na bumabalik pa naman ang kanyang suki at ibinahagi nito na may suki siya na P100,000 ang budget.

Umaasa pa rin si Go na hanggang sa bisperas ng 2018 ay sisigla pa ang kanilang benta kahit pailaw na lang ang kanyang mga benta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.