Pamamaril ng Mandaluyong Police na ikinasawi ng 2 katao, pinaiimbestigahan na ng DOJ

By Alvin Barcelona December 29, 2017 - 04:09 PM

Inutusan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kaso ng mistaken identity sa operasyon ng mga miyembro ng Mandaluyong police kaninang madaling araw.

Kaugnay ito ng pamamaril ng mga operatiba ng Mandaluyong PNP sa isang sasakyan sa kanto ng Shaw Blvd. at Old Wack Wack road na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Sa Department Order no. 822 na inisyu ni Aguirre, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng case build-up laban sa mga sangkot na Mandaluyong police.

Bahagi rin ng direktiba kay NBI Director Dante Gierran ang pagsasampa ng kinauukulang kaso laban sa mga sangkot na pulis kung may sapat na ebidenya laban sa mga ito.

Inatasan din ng kalihim si Gierran na magsumite sa kanya ng report ng magiging finding nito sa imbestigasyon.

Lumalabas na sablay ang nasabing operasyon dahil ang pinagbabaril na mga pasahero mula sa puting Mitsubushi adventure van ay isang kaso ng mistaken identity.

TAGS: DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, Mandaluyong PNP, NBI, DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, Mandaluyong PNP, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.