Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – special action unit (NBI-SAU) ang dalawang bigtime swindler at estapador.
Pinangalanan ni NBI Director Dante A. Gierran ang mga suspek na sina ABRAHAM VICTOR alias “George” at HARRY SHOUM TEENESSEE alyas “Harry” parehong Liberian nationals.
Ang mga suspek ay inaresto matapos na tangayin mula sa complainant ang 10,000 dolyar na Investment para sana pambili ng mga kemikal na maaaring mag-convert ng mga special paper money sa tunay na us dollar.
Ayon kay Director Gierran, kapalit ng pera, binigyan ng mga suspek ang biktima ng isang package na naglalaman ng makina na maghahalo umano sa isang espesyal na kemikal sa papel para maging dolyar.
Pero nang buksan ang package, walang makina maliban sa isang vault na naglalaman ng kulay green na papel na kasukat ng pera.
Kaya nang hingin ng mga suspek ang karagdagang 90,000 us dollar na balanse ng kanilang pinag usapan, ikinasa ang entrapment operation na nagresulta sa pagka aresto ng mga ito.
Kinasuhan na ang dalawa sa office of the city prosecutor sa lungsod ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.