P6.6M danyos hirit nina Pulong at Bayaw kay Sen. Trillanes
Aabot sa P6.6 milyon ang halaga ng danyos na hinihingi nina resigned Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at ng kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio sa kaso na isinampa nila laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Nabatid na humihingi ang mag-bayaw ng P100,000 para sa nominal damages, P3 million para sa moral damages at katulad na halaga para sa exemplary damages at P500,000 para sa attorney’s fee at iba pang gastusin sa pagsasampa nila ng kaso.
Magugunita na kinasuhan nina Duterte at Carpio si Trillanes base sa alegasyon ng senador na nakipagkutsabahan ang dalawa kay LTFRB Region 7 Director Ahmed Cuison para makuha ang prangkisa ng Uber sa rehiyon.
Mariin itinanggi ng dalawa ang bintang ng senador at sinabi na paninira lang ito sa Unang Pamilya.
Samantala, nagpahayag na rin ng kanyang suporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa naging hakbang ng kapatid at bayaw.
Aniya panahon na para gumawa sila ng hakbang ukol sa mga paninira ni Trillanes sa kanilang pamilya.
Ang kaso ay bumagsak na sa sala ni Judge Mario Duaves ng Davao RTC Branch 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.