Shooting incident sa Mandaluyong iimbestigahan ayon sa Malacañan
Magkakaroon ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring insidente ng pamamaril sa isang AUV sa Mandaluyong City na kumitil sa buhay ng dalawa katao.
Ito ang paninigurado ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Aniya, lahat ng mga pulis na kabilang sa naturang insidente ay sisiguraduhing matatanggalan ng mga baril at lilimitahan ang kanilang mga galaw.
Sa ngayon ay mayroon nang siyam na mga pulis at dalawang barangay tanod na nasa kustodiya ni Mandaluyong City Police officer-in-charge Senior Superintendent Moises Villacerin. Sila ang ilan sa mga sinasabing kaugnay sa nangyaring pamamaril sa isang AUV na napagkamalang getaway vehicle ng lalaking namaril sa Barangay Addition Hills, ngunit sa katunayan sila ang magdadala sana sa ospital sa naunang biktima ng naturang pamamaril.
Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde, sigurado umanong matatanggal sa pagkapulis ang mga dawit sa naturang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.